Pangako ‘yan Kaibigan

May luha sa iyong mata
kaibigan may problema ba
Huwag kang malulumbay at ‘wag
kang mawalan ng pag-asa
‘pagkat ang buhay sa mundo
nati’y sadyang mapaglaro

Handa kitang ipaglaban
kahit saan, kanino man
sabay nating haharapin
ang mga problemang dumarating
hinding-hindi ako bibitaw
mapagabi man o araw.

CHORUS:
Hawakan mo’ng aking kamay
sabay tayong maglalakbay
ako’y laging naririto
At kung kinakailangan ay
itataya’ng aking buhay
handa ako para sa’yo
hinding-hindi kita iiwan
pangako ‘yan kaibigan

Hindi ka na mag-iisa
ako’y lagi mong kasama
at sa pagtulog mo ako
ang s’yang magbabantay sa’yo
karamay mo kahit saan
kaibigan mo kailanpaman.

I was born of a different breed, the crazy kind who embraces the idea that humans are limitless; the minority who loves to question the standards; the ones who dream the impossible.

Leave a reply:

Your email address will not be published.

Site Footer