“Good morning mahal ko, I love you!”
Mga katagang araw araw kong sasabihin
Babanggitin ng walang sawa
kahit alam kong hindi mo pa ito mababasa,
dahil sa mga oras na ‘to alam kong tulog ka pa..
basta
Ang gusto ko lang.. mapangiti ka
Sa’yong pagising meron kang makikita
Alam mo yun? Yung basta gusto lang
nalalaman mo
na may isang tao
sa kabilang panig ng mundo
na nagmamahal sayo..
Nung una hindi ko naintindihan, pasensya na
kung hindi kita binabati sa umaga
pero nung nalaman ko ang halaga ng bawat mensahe
ngayon ang gusto ko na ikaw ang babae
na araw-araw nakangiti sa kanyang pag gising
Dahil naiintindihan kong hindi mo na nga ako kapiling
sa telepono na lang tayo nag-uusap
sana kahit papa’no, maramdaman mo mahal
sa mensahe ko sayo, ikaw ay aking kayakap
Habang hindi pa dumarating ang araw ng ating pagkikita
pinapapangko ko na hindi magiging hadlang
ang layo natin sa isa’t isa
para araw-araw maipadama ko sayo na mahal na mahal kita.
Araw-araw, sa aking paggising, mi-message kita
araw-araw, hindi ako magsasawa
araw-araw yan mahal..
Hanggang sa dumating ang araw, na hindi ko na kekelanganin ang telepono
upang sabihing..
Good morning mahal, I love you!