Ang sabi mo noon pag-ibig mo’y hindi magwawakas
Pasumpa sumpa ka pang ito’y hanggang wagas
Ngunit ba’t ngayo’y biglang nagbago ang ihip ng hangin
Sa dating tagpuan natin mayroon ka nang ibang kapiling
Nagawa mo pang sunugin ang lahat ng mga sulat ko
Oh anong sakit naman, ang puso ko’y binabayo
Sinabi mong hindi mo na kailangan ang ‘sang tulad ko
At namaalam ka’t ako’y iniwan mong puso’y nagdurugo
REFRAIN:
Ngunit kahit di ka na muling makita pa
Asahan mong pag-ibig ko’y sa’yo pa rin sinta
CHORUS:
Giliw ko, ikaw pa rin ang iniibig ko
Kahit na iba na ang tibok ng puso mo
Kailanma’y hinding hindi na ako iibig pa
Dahil sa ang pag-ibig ko’y para lamang sayo sinta
Mga pangarap nati’y sing bilis ring naglaho
at kasabay nito ang paglimot ng mga pangako
[missing lyrics]
CHORUS:
Giliw ko, ikaw pa rin ang iniibig ko
Kahit na iba na ang tibok ng puso mo
Kalian ma’y hinding hindi na ako iibig pa
Dahil sa ang pag-ibig ko’y sa’yo lamang sinta
CHORUS:
Sana ay lumigaya ka sa piling nya
tulad nung mga araw na tayo pang dalawa
Ngunit kung ika’y sakaling iwan nya’t pagtaksilan
Narito ako’t naghihintay lamang sa’yo aking hirang
Narito ako’t naghihintay lamang sa’yo
Pagkat mahal kita.. Oooh
Leave a Reply